Tutubo ba yung ngipin

Juvi : doc may tanong lang po aq.yung anak ko po kasi mabubulok na po ipin sa harap..yun po ipin nya mula nung baby pa sa nevre pa sya nabungi,, ngaun po 12yrs old na anak po sakali po bang ipabunot ko ngipin nya
tutubo pa po ba yun?

Dr. Jesus Lecitona : Kung siguradong ngipin nya mula pa noong baby pa sya yan, tutubo pa ang kapalit. Pero madaming kaso na sabi ng nanay na hindi pa sya nabungi pero nabungi na pala. Kaya para sigurado, ipaxray mo kung may kapalit pa bago mo ipabunot. Para kung sakali, masave pa yan kung yan yung sumunod na palang ngipin.

Sumakit ang pinastahan

Chandy : Good day doc, pahelp naman po. Nagpa pasta po kc ako last July 20 and ok naman po ang pag pasta nung umpisa, tumagal po sya ng mga 2months, then after nun nag start na sya mag ngilo hanggang sa dumating na sa point na sumaket na sha at hnd kupa rin po maikain ng mga matitigas na pagkain. Then ininuman kupo sha ng mefenamic mga ilang days din po nawala rin. Then ngaun lng po araw napansin ko na may bukol po tumubo dun mismo sa part ng pinag pastahan ko sa may taas po tlaga. Natatakot po ako kc baka po lumaki sha at delikado. Sana po matulungan nyo ako. Maraming SALAMAT po.

Dr. Jesus Lecitona : Ang pwede mo gawin ay ipaRCT mo. Hanap ka ng magaling na dentist sa lugar mo para maging maayos ang RCT mo.