Normal bang Sumakit ang Ngipin Pagkatapos Magpapasta

Cj : gud pm po, normal po bang medyo sumakit ang ipin after mapasta? kumain po kc ako after 2 hrs at medyo sumakit po ang napasta kong ipin. salamt po

Ask the Dentist : Hindi normal. Kung normal yan, hindi mo tatawaging “sumakit” yan kundi “normal”. Kapag hindi nawala ang pananakit, malamang na umabot na sa pulp ang sira bago mo ipapasta. Kapag umabot na ang sira sa pulp, malamang na hindi na yan kayang isave sa pasta. Karamihan ng pasyente, nagpapasta lang kung masakit na or napakalaki na ng butas.

Kaya pag hindi na kaya sa pasta, RCT or bunot ang solution. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Natanggal ang Pasta

Jimvell : good day po,, tanung lng po ako, nagpapasta po kc ako before e medyo malaki po ung pinapasta ko,, then naputol po ito, is there any chance na maikabit ito ulit? i mean, ung nd na po ako magpapapasta ng bago? salamat po and God bless

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Kung hindi na kaya sa pasta, ipaveneer mo or crown:
http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/
http://costdentures.com/ask-the-dentist/why-is-crown-needed/

Maganda ba ang Quality ng Pasta

Dianarra : Good morning doc, tanung lang po, nagpapasta ako last monday, then ubg pasta ko, hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pain, ibig sabihin po ba nito eh, maganda ung pagpasta at ung quality nito?

Dianarra : ito pa po pala, balak ko po magpabraces, kay U— Dental Clinic. Kilala niyo po ba sila?

Dianarra : Thank you po

Ask the Dentist : Magsend ka ng x ray nang makita ko kung ok. Hindi ko kilala, madaming U—- sa mundo.

Dianarra : U—- Dental Clinic po ung, meron sa UST manila, gilpuyat, Timog, ung may ari ng U—- A—– WORLD. hehehe. sige doc, magsend ako soon

Ask the Dentist : Oks.

Pwede pa ba Pastahan

Alyssa : pede pa po ba ipapasta yung ganto kalaking butas?
di pa po siya sumasakit kahit kailan kahit kumain ako ng malamig
(link)

Ask the Dentist : Ganito ang gawin mo, iattach mo dito mismo. Hindi outside link dahil hindi ko mabuksan yang link mo.

Alyssa :

Pwede pa Pastahan

Pwede pa Pastahan

Ask the Dentist : Pwede pa.

Pastang may itim

Trixie : Gud eve doc… Nagpapasta po ako after po pag uwi ko check ko ung tooth na pinapasta May part pa rin po na black sa front and back ng tooth. Doc ano po sa tingin nyo ang dapat kong gawin babalik pa po ba ako sa dentist para ipatingin ulit? Thanks po doc paki pm nalang po ako.

Ask the Dentist : Patingin ng photo ng ngipin.

Ask the Dentist : Yung nagpasta ay orthodontist mo?

Trixie : Yes po
kailangan ko pa bang ibalik

Ask the Dentist : Base sa photo, oo.

Trixie : Thank you po….