Dentist in Quezon City

Ria : Good doy Dr. Ask ko sana if okay ang pag kakagawa ng crown ko? Saan kaya ang clinc nyo? Gusto ko mag pa consult, salamat

PFM Crowns

PFM Crowns

Ask the Dentist : Ano ang reklamo mo tungkol sa crown mo? Medyo malabo ang photo. Kailan yan ginawa?

Ask the Dentist : Ito ang clinic website namin. : http://dentistquezoncity.com/

Ask the Dentist Philippines : Facebook: https://www.facebook.com/AdvancedDentistryPH

Ria : Nakuha ko po ang address dr, salamat. Wala naman po ako reklamo gusto ko lang makasiguro na maayos ho

Ria : Ginawa sya dr may 2013

Ask the Dentist : Kapag harap na ngipin dapat pina-all-porcelain mo dapat. Kapag porcelain fused to metal kasi, hindi oks esthetically, pero mas mura. http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/

Ria : Ok dr salamat na gets ko, can I have an idea how much ang all porcelain? Para ready lang ako,

Ask the Dentist : Yun lang may kamahalan, 20 K bawat crown. Kapag may dati ng jacket tulad niyan, kailangan maxray muna. Kasi kadalasan, may pulp involvement na. Given na na bago ijackect ang ngipin, may malaki na itong sira, at kung may malaki nang sira, umaabot na sa pulp.

Ask the Dentist : Syempre may discount kung tulad niyan na madami at depende din kung madaling gawin kumpara sa usual.

Ria : Salamt dr, at least may asintahan nkonsa presyo,

Ask the Dentist : Ganito gawin mo. Kunin mo average price sa lugar niyo. May mababa, may mataas diyan tiyak. Kunyari may 15K tapos may 20K. Sabihin na natin ang average ay 17.5K. Tapos tignan mo na ngayon kung sino ang magaling base sa price na yan. Wag ka pupunta sa cheapest. Cheapest halos tiyak low quality yan. Sa average ka or above average price. Tatanungin mo yung dentist. Sa pakikipagusap malalaman mo kung magaling kung kaya niya sagutin ang tanong mo, at hindi siya sunod ng sunod kung ano ang gusto mo.

Ria : Thank you dr sa advise mo, gusto ko talaga mgkaron ng confident smile, at napaka halaga ng advise mo

Ask the Dentist : Oks.

Gusto ng Braces, pustiso at bridge

Pustiso para sa bungi

Jv : hello sir, tanong ko po sana kung ano pwedeng remedy sa ngipin na unti-unting naghihiwalay. nabunutan na po kasi ako ng 5 ngipin, tapos napansin ko po na gumagalaw yung mga ngipin para i-fill yung mga bakante. nabother po ako kasi unti-unting lumalaki yung gaps ng ngipin ko. ano po kaya magandang gawin?

nakapagsearch naman po ako ng mga possible na remedy kaya lang po di ko po maverify kung alin yung pinakamahusay. naisip ko po 1. dentures *least preferred* 2. braces 3. implant *tho di pa kaya ang bayad kasi estudyante pa*

patulong naman po sana ako. salamat.

Ask the Dentist : Send ka ng photo para makita ko.

Jv : eto po sir. sorry po kung gross. xD

Jv : dalawa po yung nabunot dun sa taas, sa may binilugan ko po. sa baba naman po, yung mas kita na blanko, dalawa din po ang nabunot tapos isa naman po dun sa medyo magkadikit na ngipin na binilugan din po.

Ask the Dentist : Pwede lahat yun.

Jv : hindi po ba ako pwede magpabrace?

Ask the Dentist : Pwede.

Jv : sa situation ko po magkano po ang brace? tska bridge? yun po kasi ang balak ko, brace tapos bridge. tama po ba yung plano ko?

Ask the Dentist : Okie. ganito ang pinakamabuti mong gawin kung plano mo magpabraces. Magpaanoramic xray ka at cephalometric xray. Sa mga magagling na ortho, yan ang unang hahanapin. Aabutin din siguro ng 50K pataas sa braces.

May mas mura pa ba sa Pustiso

Kathryn : wala na bang mas mura bukod sa pustiso?

Ask the Dentist : Meron. Pabayaan mo lang at lakas loob mong harapin ang mundo nang walang ngipin.

Kathryn : Oh, Matagal tagal ko pa palang iipunan pamangkin ko. haha balak ko kasi sa birthday nya yun gift ko. pero anwy, Thankyou~

Ask the Dentist : Olrayt.

Dental Bridge Quezon City

Harrold : Hi doc tanung lang po kung ano magandang gawen? yung may drawing na star yun po yung walang ngipin.

Ask the Dentist : Bridge or implant:
http://www.affordabledenturesph.com/fixed-fixed-bridge/
http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Harrold : ahh. doc pag sayo magpa bridge ok lang ba?:D magkano magagastos pag ganun?

Ask the Dentist : Malayo ako. Matagal pa kami magopen ng clinic sa QC. Bandang september pa.

Affordable Dentures in the Philippines – Murang Pustiso

Boucher : Saan po kaya ako makakahanap ng pinakamurang pustiso?

Ask the Dentist : Wag mong piliin ang pinakamura sa kahit ano. Kadalasang pumapalpak ang pinakamura. May presyo ang quality. Lagi.

Kung gusto mo talagang makatipid sa pustiso at lumaki ang probability na hindi ka mapariwara sa paghahanap ng tamang pustiso, ito ang payo ko:
1. Maghanap ka sa internet ng clinics na malapit sa iyo. Magtanong sa mga kamaganak. Magtanong sa mga kaibigan. Magtanong sa ex. Magtanong sa dating asawa.
2. Sa mga clinic na nailista mo, magtanong tanong ka sa kanila. Itanong mo kung magkano ang pustisong dapat sa kaso mo.
3. Base sa presyong nakuha mo, kunin mo ang average price.
4. Pwede mong piliin ang kapantay ng average o above average price na pustiso. I-eliminate ang pinakamura.
5. Sa mga dentists na kapantay or above ng average price ang denture treatment nila, magtanong ka tungkol sa deture treatment. Piliiin ang mga dentista/dental clinic na kayang sagutin ng tama ang tanong mo at kaya nilang ipaliwanag ang sagot nila. Eliminate sa option mo ang mga hindi ka kuntento sa sagot nila. Ngayon, Kumunti na ulit ang nasa listahan mo.
6. Tignan ang gamit nila at itsura ng clinic. Tiyak akong pakaunti ng pakaunti ang nasa listahan mo.
7. Basahin ang mga diploma at certificate sa clinic. Kung member ng Philippine Prosthodontic Society ang dentist, mabuti. Kung may specialization/masteral sa Prosthodontics ang dentist mas mabuti.
8. Pumili.

Sa pustiso, natural na ilang balikan yan bago matapos at magamit mo. Inaadjust yan kahit gaano kaperpekto ang pagkakagawa. Wala ding “permanent dentures”. Every 3 – 5 years dapat pinapalitan ang pustiso o di kaya’y nirirebase at reline. Every 6 months to 1 year dapat magpunta sa dentist upang ipakita kung kailangang ireline o rebase o palitan ang pustiso.

For more info about affordable dentures click here and here.

May Crack ang Ngipin

Jordan Karl : Hi Doc, natamaan po kasi ng siko ung ngipin ko sa harap ngyon po may crack po sya ska medyo masakit po kapag ikakagat ko, paano po kaya gagawin dito? salamat po.

Ask the Dentist : Xray. Titignan kung hanggang saan ang crack. Pag pwede pa i-RCT, ipaRCT mo. After na RCT, ikacrown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Jordan Karl : tnx doc, magkano po ba mag pa xray and rct?

Ask the Dentist : Ang xray, mura lang. Ang RCT, 3K pataas para sa ngipin sa harap.

Jordan Karl : salamat doc, mga magkano nmn po sa crown?

Ask the Dentist : Madaming klase ng crown: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Yung metal ceramiic ang pinakamura, 5K pataas.

Pwede ba Malagyan ng Braces

Mac : doc gud pm.po patulong nmn po doc..pwede po ba malagyan ng braces ung ngipin na may pustiso??para mapag iponan ko po.. Ganito po kasi ipin.ko po 😯
Nahihiya na po kasi akong ngumiti.po eh.. kasi ang pangit po tingnan..

Pwede ba magbraces

Pwede ba magbraces

Ask the Dentist : Pwede. Pero hindi mo isusuot yang pustiso mo habang may braces. May ilalagay diyan ang dentist mo pansamantala.

Mac : Thank you so much po doc for the quick response. Para akong nabunutan ng tinik..hehe kala ko kasi hindi na pwede…someday i will be smiling like this ..hindi na yung gnto lang hehehe..😊

Yellow ang Jacket Crown

Carmen : Doc bakit po ganun? Nag pa jacket po ako last year january and mag1 yr palang po ngaun pero nagyeyellow po siya-.- lahat po ng teeth ko white ung dalawang jacket lang po ung hndi yello sila, ano pong magandang gawin? Bakit po ganun? Salamat po.

Ask the Dentist : Malamang na plastic yan. ANg plastic pantemporary yan. Pagawa ka ng all porcelain or porcelain fused to metal