Pwede ba i-brace

Ernan : Hi po doc magandang araw. Ask ko lang po if may pag-asa pa ma-align yung teeth ko. Both na fixed bridge yung lower and upper teeth ko lahat ng ipin, ang problema nakalabas yung lower teeth ko na ang normal dapat eh mas nakapasok sya. ano po kaya dapat gawin. may nagsabi na jaw surgery daw po eh medyo natatakot ako

salamat

Ask the Dentist : Send photo.

Ernan : Bale yan po normal bite ko
Tnx for reply
Nakalabas po yung lower teeth.

Ask the Dentist : Paxray ka. Tignan ko kung possible ka pa ibrace.

Ernan : Ok doc tnx. Pero doc lahat ng ipin ko naka fixed ceramiqe bridge. Posible bang ibrace sya. Salamat

Ask the Dentist : Paxray ka. Tignan ko kung possible ka pa ibrace.

Tanggalin ang Braces

Theresa : Hi po. Currently naka-self ligating braces po ako. 3 years na sha pero since ofw po ako, hindi ko po ma-maintain yung pagbalik sa ortho ko every 6 months.. Ok lang po ba na ipatanggal ko sha sa ibang ortho? Normally magkano po ang patanggal? Thanks

Ask the Dentist : Hindi ko alam ang presyo sa bansang nandoon ka. Pero sa pinas, 4k ang pagtanggal.

Murang Brace

Kc : Hi dok.. Tanong lang po ngp brace ako nitong january.. Pansin ko lng ang bagal ng ngipin ko prang walang nangyayari. Ano po b dapat kung gawin? Mg 30 n kc ako.. frown emoticon. Sabi dn ng dentist hndi nkikisama ang ngipin ko
Regular po ako ngpp adjust. Dok pwede po ba ako mg p adjust twice a month? baka sakali bumilis

Ask the Dentist : Kapag umabot ng 2 years at walang nangyari, palit ka ng dentist.

Kc : Dok. Bka my alam k n magaling po. Sayang nmn kc gastos ko

Ask the Dentist : Kapag lumipat ka ng dentist, tatanggalin yan at lalagyan ng bago. Considered as new case.

Kc : Ay ganun. Panibago plng gastos. Parang nwawalan n po ako pag asa

Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.

Kc : Tagal ko na po kc nag brace. Ung una 3 yrs. Ngyun panibgo n nmn pero d nmn ng momove po..

Ask the Dentist : Wag ka kasi maghanap ng cheapest.

Kc : Haysss dok cheap lng kc kaya ko e

Ask the Dentist : Okies.

Ano ang magandang gawin sa Puwang sa Ngipin

Maylene : gud day doc..may puwang po kasi ung ipin ko sa unahan..taas and sa baba..medyo malaki na po ang puwang..ano po bang magandang procedure para magdikit sila and magkano po ang possible cost para maayos..thanks po

Puwang sa Pagitan ng mga Ngipin

Puwang sa Pagitan ng mga Ngipin

Maylene : gud day doc..may puwang po kasi ung ipin ko sa unahan..taas and sa baba..medyo malaki na po ang puwang..ano po bang magandang procedure para magdikit sila and magkano po ang possible cost para maayos..thanks po

Ask the Dentist : Braces : http://dental.tips/dental-braces/

Braces na hindi nagpa-x-ray

Princess : Gud pm po . Pede po magtanong about po sa braces kung possible po ba na bunutan ng dalawang ngipin po sa taas para po umusog paloob .? Salamat po 😀

Ask the Dentist : Send photo.

Braces

Braces

Ask the Dentist : Yes. Kailangan nga, 1st premolar kabilaan. Pero pwede pa iverify sa Cephalometric X ray.

Ask the Dentist : Yung dentist mo ang magdidecide. Nirecommend ba ng dentist mo?

Princess : Opo nirecommend po . My ibang option po b bukod po dun?

Ask the Dentist : Meron, pero gagastos ka ng 100K. Ibang klase ng braces.

Princess : Aww anglaki po.ano pong tawag dun ?

Princess : Gud am po . Pano po kapag nilagyan na po agad ng braces kahit wla pong xray ?

Ask the Dentist : Ibig sabihin may pagka manghuhula ang dentist mo. Wag ka magpapabunot ng walang x ray. Nagsuggest pala sayo ng walang xray eh.

Ask the Dentist : Bago ilagay ang braces dapat may panoramic x ray. Kung dapat may bubunutin, viniverify muna sa cephalometric x ray. Kaya sa ngayon, dapat may panoramic x ray ka na at cephalometric x ray.

Princess : Pano po yun ? Ano pong dapat kong gawin ?

Princess : Pero po yung kakilala ko po nakapg pabunot n po ng ngipin umuurong nmn dw po ung ngipin ..

Ask the Dentist : Tanungin mo yung dentist mo, “Doc, magpapabunot ako ng hindi mo man lang tinitignan sa xray?”

Ask the Dentist : Tanungin mo din kung bakit hindi ka hiningan ng panoramic x ray.

Princess : Sige po . Maraming salamat po sa info

Nakabraces, Naaksidente. Umuuga ang Ngipin

Meiz : Gudeve po doc tanong ko lng po kapag po ba umuuga na po yung ngipin ano po b dapat kong gawin natatakot po kasi akong mawala po ung isang ngipin ko

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita kung bakit umuuga. Base sa xray, makikita kung ano ang pwede gawing remedyo. Nakakauga ang braces na hindi dentist ang naglagay o nagaadjust.

Meiz : Naaksidente po kasi ako ang tumama po ung ngipin ko dun po siya nagsimulang umuga

Meiz : Yung nadurog po ung umuuga sa akin tas pinasta na po siya ngaun ng dentist ko

Meiz : Tas ito na po siya ngaun nung ginawa na po peo 1 week n po umuuga pa din po ung ngipin kong nasira

Ask the Dentist : Alright, ipaxray mo para malaman kung bakit umuuga. Pwedeng nabali ang ngipin sa loob, pwedeng humiwalay ang ngipin sa periodontal ligament, etc.

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Siguradong palpak yan kung upper lang ang nilagyan. Itanong mo sa dentist mo kung bakit upper lang inilagay. Parang sa sapatos, kung yung isa iniadjust at yung isa hindi, magiging mas malaki yung isa.

Meiz : Salamat po cge po ipa xray ko po ngaun slamt po dok

Gusto ng Braces, minor lang

Jeynie : Doc.how much po ba mgpa brace para ma align ang teeth? At ilang months po ma achieved ang result?thank you.

Ask the Dentist : Depende sa lala ng sungki. Max of 2 years.

Jeynie : How about minor lang, ng apart lang ang teeth..how much po? Any idea doc. Thanks.

Ask the Dentist : Hahaha! O sige, send ka ng panoramic x ray at cephalometric x ray, para makita kung gaano kaminor ang minor na sinasabi mo.