Bagang na nagcrack

Nadine : Pano po gagawin sa ngipin sa bagang na nag crack, natanggal yung kapiraso sa side?

Ask the Dentist : Madami ang pwede gawin depende sa laki ng crack, at kung sumakit na or hindi pa. Ipatingin mo sa dentist sa lugar mo para macheck kung gaano kalala ang damage.

Sumakit ang pinastahan

Chandy : Good day doc, pahelp naman po. Nagpa pasta po kc ako last July 20 and ok naman po ang pag pasta nung umpisa, tumagal po sya ng mga 2months, then after nun nag start na sya mag ngilo hanggang sa dumating na sa point na sumaket na sha at hnd kupa rin po maikain ng mga matitigas na pagkain. Then ininuman kupo sha ng mefenamic mga ilang days din po nawala rin. Then ngaun lng po araw napansin ko na may bukol po tumubo dun mismo sa part ng pinag pastahan ko sa may taas po tlaga. Natatakot po ako kc baka po lumaki sha at delikado. Sana po matulungan nyo ako. Maraming SALAMAT po.

Dr. Jesus Lecitona : Ang pwede mo gawin ay ipaRCT mo. Hanap ka ng magaling na dentist sa lugar mo para maging maayos ang RCT mo.

Broken Tooth

Sarah : Hi. I have a question.. I broke my left lateral incissor about 2 yrs ago due to an accident.. The cracked part is near the central incissor.. I have no time to visit a dentist because I just gave birth that time and after few months I started working. My teeth looks like it has a big gap or hole between the broken tooth and the central incissor. As a remedy, to fill the gap temporarily, I am putting a cotton in between the 2 teeth.. I know it’s crazy and it doesn’t look good either. What should I do now? Does it need to be extracted and I need to have denture? Or are there other ways?

Ask the Dentist – Philippines : Send photo.

Kung sumakit na ipa rct mo.

Root Canal Treatment

Sarah : Ndi po sya masakit pero malaki na ung sira nya parang 1/3 na nung ngipin ung natanggal

Ask the Dentist – Philippines
Okie send photo.

Sarah : Carious

Ask the Dentist – Philippines
RCT na yan, tapos jacket.

Hindi na Makasmile

Ricelda : Dok sana po matulungan nyo ako sa problema ko .kc po di na ko maka smile . sira kc ngipin kp sa harapan upper maitim na po sya nahawa na din po yung mga ktabing ngipin maitim na din salikod .ayoko naman po mag pabunot gsto ko po sana ipasta nlang .anu po kya ang mainam na paraan at mag kno po kya ang magagastos. please dok help me po.

Ask the Dentist
: Hindi na yan kaya sa pasta, RCT tapos crown ang possible gawin :
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Ricelda : Thank you po dok

Jacket na may bukol

Maricar : ask lang po kc ung part na najacket ko po sa front teeth eh parng nagkabukol poero di naman po siya matigas parang lumolobo lumalaki paunti unti matagal na po kc toh 10 yrs ago mahigit na po tong jacket ko ano po ba magandang gawin dito.. risky po ba toh?

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Baka kailangan mo ipa-RCT : http://dental.tips/rct/
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0

Maricar : need bang tanggalin ung teeth nun?

Ask the Dentist : Ipa-RCT mo para hindi tanggalin.

Maricar : ok thanks

Sumasakit ang ipina-pasta

Larissa : Doc bagong pasta po ung ngipin ko nung december mangilo po nung bagong pasta tpos ngaun po sumasakit bakit po ganun?

Ask the Dentist : Kapag masyado nang malalim ang sira at umabot na sa pulp, hindi na pasta ang kailangan para diyan . RCT na ang kailangan at jacket.
http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment/
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Larissa : Gnun nga dw po sobrang lalim na ang butas…sbi ng dentist ko iopen dw nya pra mkasingaw eh gusto ko po pg wala ng sakit pabunot kna…salamat po doc.

Ask the Dentist : Oks. Kung kaya mo humarap sa mundo na bungi, sige ipabunot mo.

Larissa : Hehehe bagang nman po..

Ask the Dentist : Oks.