Nangingilo ang Ngiping may pasta

Berna : Hello po. Tanong ko lang po, nagpapasta po kasi aki ng ngipin. Tapos, sa twing umiinom po ako ng tubig, nangingilo po sya. Hindi naman po sumasakit, nangingilo lang po pag umiinom ako. Ano po kaya ang dapat gawin? Salamat po

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Ipacheck mo na din sakaling may iba pang dahilan para mangilo. Usually nangingilo dahil may part ng ngipin hindi dapat nakaexpose.

Tutubo pa ba kapag pinabunot

Thea : Dc ask lang po may butas po kasi yung ngipin ko sa bagang at pangatlong ngipin bago yun right side po possible pahubang tumubo yon kung ipapabunot ko??15 years old napo ako ty po

Dr. Jesus Lecitona : Sa bagang wala na tutubo na kapalit. Pero yung kasunod na 3rd molar pwedeng tumubo dahil sa space na maiiwan ng bagang. Sa iba pang ngipin, makikita sa x ray kung matutubo pang kapalit. Pa-x-ray ka para makita.

Butas ang harap na ngipin

Aira : hi po doc ask ko lang po sa harap kopo kasi may butas nasa pagitan n ipin ko kaya pao bang ipasta yon? magkano po kaya yung aabutin

Dr. Jesus Lecitona : Kapag hindi pa umabot sa pulp ang butas ay pwede pa pastahan. Kung magkano ay depende sa dentist sa lugar mo. Iba iba ang presyo depende sa lala, lugar at galing ng dentist.

Bagang na nagcrack

Nadine : Pano po gagawin sa ngipin sa bagang na nag crack, natanggal yung kapiraso sa side?

Ask the Dentist : Madami ang pwede gawin depende sa laki ng crack, at kung sumakit na or hindi pa. Ipatingin mo sa dentist sa lugar mo para macheck kung gaano kalala ang damage.

Tutubo ba yung ngipin

Juvi : doc may tanong lang po aq.yung anak ko po kasi mabubulok na po ipin sa harap..yun po ipin nya mula nung baby pa sa nevre pa sya nabungi,, ngaun po 12yrs old na anak po sakali po bang ipabunot ko ngipin nya
tutubo pa po ba yun?

Dr. Jesus Lecitona : Kung siguradong ngipin nya mula pa noong baby pa sya yan, tutubo pa ang kapalit. Pero madaming kaso na sabi ng nanay na hindi pa sya nabungi pero nabungi na pala. Kaya para sigurado, ipaxray mo kung may kapalit pa bago mo ipabunot. Para kung sakali, masave pa yan kung yan yung sumunod na palang ngipin.