Lingual Retainer

Run : Hi Doc,

Naka lingual po kase ako, hindi po ako komportable, tanong ko lang po kung magkano po kapag ipapatanggal ko?

Salamat po.

Ask the Dentist : Mga 2K up din.

Run : Maraming salamat po Doc. God bless you po.

Run : Good Morning Doc,

Tanong po ulit ako.

Dati po kasing hiwalay ang ngipin ko up and down. Tapos pina braces ko po. After 5 months nagkapatong na po yung dating magkahiwalay,kaya ang ginawa ng dentista tinanggal na po yung braces. Then after a week po bumalik sa dati yung ngipin ko, naghiwalay po ulit so bumalik po ako sa dentista pero ang sabi nya normal lang daw po kasi maliit lang naman yung space. So ang ginawa ko po nagpakonsulta po ako sa isa pang dentista, dahil parang napaparanoid ako kapag nakikita kong may space yung mga ngipin ko. Pero ang ginawa po ng dentista ay Lingual daw po, para po syang pasta na may wire na kinabit po sa likod ng mga ngipin ko. Ngayon po Doc, para po akong may chewing gum palagi na nakadikit sa mga ngipin ko. Confused lang po ako Doc dahil sinearch ko po sa google yung lingual braces at hindi po sya kagaya ng sinasabi ko na pasta na may wire, kundi braces po na nasa likod ng mga ngipin.

Yung po yung itatanong ko Doc, yung 2k po ba na namention nyo ay para po dun sa lingual na pasta na may wire o dun sa braces na baligtad. Salamat po Doc.

Run : Heto po yung dati kong ngipin doc.

Ask the Dentist : Oks.

Run : Tipid ni dok. 1 vs 100. Haha! Peace

Ask the Dentist : Check mo brad. Wala kang tanong. Hindi si Madam Auring ang kausap mo na kayang hulaan ang tanong mo.

Run : Yung 2k po Doc para po dun sa lingual na parang pasta pero may wire sa likod ng mga ngipin ko?

Tapos pwede po ba magparetainer na lang? At magkano po paretainer? Salamat po Doc.

Last pa po, san po Clinic nyo?

Ask the Dentist : Lingual retainer yung ginawa sayo. Hindi braces. YUng 2 K ay para tanggalin.

Ang retainer ay inilalagay pagkatapos ng braces. NiriRETAIN ng RETAINer ang inayos ng braces. Walang inaayos ang RETAINer.

Ask the Dentist : YUng huling inilagay sayo ang LINGUAL RETAINER. Bonded yun.

Run : Opo yun nga po.

Salamat po Doc, God bless po.

Advertisements

Ask the Dentist

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s