TMJ Problem

Carel : Good afternoon po Doc!

Nakadental splint po ako. Kasi po nagkiclick po ‘yung jaw ‘ko. Ang sabi po ng Doctor ko specialist sa TMJ baka kailangan ko po ng splint kasi nagtiteeth grind din po ako minsan kapag natutulog. Pinaex-ray niya po jaw ‘ko, sabi niya po kaya po tumutunog kasi po napudpud na po ‘yung cartilage ng jaw ko, kaya ‘di na maganda movement (that was July last year) so nagpagawa po ako ng splint sa dentista ko (since bata pa ‘ko dahil family friend) hindi man lang niya po inex-ray basta sinukatan niya lang po. Ang sabi niya bumaba na po ‘yung bite ko kasi wala na po ‘yung 2nd molar ko sa left then 2nd and 1st molar ko sa right (not sure if I have 3 molars though) sa baba. May dulong molar pa naman ako. Balak ko po kasing magpabraces bago ko po ipa-bridge ‘yung mga bakante. Okay lang po ba na hindi ko na isuot splint ko. After a month of using po hindi naman na po siya nagkiclick. Pero napansin ko po kasi na may pain po dun sa jaw na dating nagkiclick. ‘Yung parang ngawit po tapos hindi ko po masyado maibuka ‘yung jaw ko kasi masakit. Then kapag matagal akong ngumunguya, sumasakit po siya. Nung bumalik naman po ako sa doctor ko sa TMJ, wala naman po siyang makitang problema. Tapos po doc kapag tinatanggal ko po ‘yung splint then pag nagbite ako, hindi pantay ‘yung upper and lower dulong molar ko. Okay po ba na hindi na ‘ko magsplint then diretso braces? Bale nasuot ko po pala ‘yung splint ko ng 1 month straight pero after 1 month doon ko po naramdaman ‘yung ngalay. Hindi na po siya nagclick pero masakit naman siya hindi ko mainganga mabuti. May pain po kasi lalo na po kapag kumakain ako ng Sneakers masakit po. Sinuot ko po ulit ‘yung splint ko ngayun hoping na mawala ‘yung pain. ‘Yung doctor ko po sa TMJ wala naman pong makitang problema. Sa tingin niyo po ba kelangan ko pa pong isuot ‘to o magpabraces na po ako? Also, nakafixed bridge po ‘yung 4 upper front teeth ko kasi naakaidente po ako noong bata hindi na po pwede i-RCT sabi ng dentist kaya pinabridge na lang ni Mama, ‘yung bridge ko ngayon since 2009 po. Pwede naman po pabrace? Sana po magreply kayo sa mga questions ko pasensiya na po kung mahaba.

Carel : Eto po pala ‘yung x-ray ko last year. Ayan lang po mapapakita ko. Sana po makatulonh.

TMJ

Ask the Dentist : Magsend ka ng mas malaki at pwedeng makitang x ray. Hindi ko kayang hulaan ang xray mo.

Ask the Dentist : Since madami kang problem at mukhang kumplikado, magpapanoramic xray ka ng malinaw. Hindi ka ng digital copy. Send mo yung digital copy dito. Sa Lapid Dental Center, malinaw ang x ray. Search mo sa google ang branches nila. Sa ngayon wala akong maisasagot sa mga tanong mo nang walang basehan sa pangkasalukuyan.

Carel : ‘Yung sa splint na lang po. Hindi naman na po nagkiclick ‘yung jaw ko, pero may pain po siya kapag binubuka send po ako ng picture ng bite ko at kung paanong buka masakit. Kasi ayoko na din po suotin. Bale pang 3 days ko na po ulit sinuot.

Ask the Dentist : Oks.
Okie. Ganito ang gagawin mo. magpapanoramic xray ka ng malinaw. Hindi ka ng digital copy. Send mo yung digital copy dito. Yung malinaw. Yung nakikita. Oks?

Carel : Ayan po bite ko. As you can see, hindi po siya pantay. I was once told noong bata pa ako na cross bite daw po ako. At alam ko po na tama po ang bite kapag pantay po ang line ng upper and lower front teeth. Tapos mababa na po bite ko oh. Then ‘yung other picture naman po, ganiyang laki lang po may konting pain or parang ngalay na.

Carel : Wala po saakin dito ngayon yung digital copy eh. ‘Yung picture po na ‘yan matagal na po.
For the mean time po. Okay lang po ba na ‘wag kong suotin ‘yung splint o tuloy ko lang po? Atm, nasa Bataan po ako, hahanap po ako ng branch ng clinic sa QC. Saan po ba clinic niyo sa Manila? Para sa inyo na po ako dumeretso?
Para kayo na rin po tumingin kung ano pong kelangan talagang gawin. Please po.

Ask the Dentist : Ganito ang kailangan mo gawin. Magpaxray ka. Oks? Sa kahit kaninong matinong dentist na tanungin mo, hihingan ka ng malinaw na x ray para yun ang gagawing batayan sa mga tanong mo. Last na ito, hindi ko na uulitin.

Carel : Okay po sige po. Salamat po doc.
Last na po doc. Paano po pala ‘yung splint? Tutuloy ko lang po bans suotin o ‘wag na? Pasensiya na po talaga.

Advertisements

2 thoughts on “TMJ Problem

Ask the Dentist

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s